Message of Chief, PNP during 113th Police Service Anniversary

[youtube video=https://www.youtube.com/watch?v=-CRNaAdKwNY]

Binabati ko ang buong kapulisan sa pagdiriwang natin ngayon ng Ika-isandaan at Labintatlong Taong Anibersaryo ng Police Service. Malugod kong pinapasalamatan ang PANGULONGBENIGNO S. AQUINO III,ang ating mga panauhin,sa inyong pagdalo ngayon upang makibahagi sa aming pagdiriwang.

Nais kong ipaabot ang ating taos pusong pasasalamat sa Pangulong Aquino, sa kanyang masugid na pagsuporta sa buong kapulisan. At sa pagbibigay niya ng kaukulang atensyon sa ating mga programa upang mai-angat pa natin ang antas ng ating panunungkulan sa pagsugpo at paglutas ng krimen.Nagpapasalamat din kami sa masipag na DILG Secretary Mar Roxas,na araw-araw nating kaagapay sa pamamalakad ng ating mahal na organisasyon.

Bagama’t isang siglo at labintatlong taon na ang nakalilipas, nanatiling matatag pa rin ang ating kapulisan. Patunay lamang po nito ay kung paano natin nalampasan ang lindol sa Bohol, hagupit ng bagyong Yolanda sa Kabisayaaan, paglusob ng mga NPA sa ilang Police Stations, at ang pagsugod ng mga masasamang elemento sa Zamboanga City. Mga magkakasunod na pangyayaring mas nagpatibay ng loob ng ating kapulisan, nang ating pagka-kaisa sa pagbangon mula sa pinsalang iniwan ng mga sakunang nagdaan.

Ito ay pagpapatunay sa katapangan at katapatan na ating minana mula sa Philippine Constabulary/Integrated National Police, ang forerunner organizations ng Philippine National Police. Sa ating pagbabalik-tanaw, naaalala natin ang mga katagang “always outnumbered but never outfought” – mga katagang sumasalamin sa kalagayan ng kapulisan mula nang ito ay itinatag noong 1901.

Today, we may still be outnumbered, but we are certainly never outfought. We continue to win the battles in the streets against crime and lawlessness. We continue to win the hearts and minds of the people that we serve and protect. And we continue to tread the straight path amidst the never ending trials and challenges that we face.

Hangad nating patunayan, na marami pa ang mgabayani sa ating hanay, na patuloy na naglilingkod ng buong tapang at katapatan, mapanatili lamang ang kapayapaan. Bumabalik sa ating alaala ang katapangan ng mga pulis ng President Roxas MPS sa Cotabato, na hindi natinag nang sila ay lusubin ng mga isandaang miyembro ng NPA noong Mayo. Marami pang istorya ng kabayanihan sa ating hanay at ang mga ito ang nagbibigay kulay sa ating selebrasyon ngayon.

Ang mga tagumpay na ating natamo sa pagpapatupad ng batas at pagpapalaganap ng kaayusan, ay bunga na rin ng masigasig at matapat na kooperasyon ng mamamayan. Ayon nga kay dating U.S. Vice President Hubert Humphrey, “There are not enough jails, not enough police, not enough courts to enforce a law not supported by the people.” Kaya naman po, nararapat lang na ang tema ng ating pagdiriwang ay:“Pulisya: Kaagapay ang Mamamayan Para sa Patuloy na Kapayapaan at Kaunlaran.”

Sa patuloy nating pagtahak sa tuwid na daan, batid ko pong maraming nasagasaan at hindi natuwa sa ginawa nating pagtatama sa mga sistema sa ating organisasyon. Mula sa paglalahadng tunay na kaganapan ng krimen sa ating bansa, at sa pagdidisiplina natin sa hanay ng kapulisan. Sa pagsasa-ayos natin ng mga proseso sa lisensya ng baril atpati na ang pagluluklok sa mga karapat-dapat na opisyales na dumaan sa wastong proseso.

Ang ating hangad lamang ay matugunan ang mga problemang matagal na nating hinaharap. Marami ang nahirapang tanggapin,ang mga stratehiyang pinapatupad natin, subalit ito ay para sa ikagaganda ngPambansang Pulisya.

Bagama’t patuloy ang buhos ng matitinding paghamon sa atin, patuloy ding tumitindi ang hangarin nating patunayan sa sambayanan, na ang kanilang kapulisan ay binubuo ng mga alagad ng batas, na marangal, matapangat ang hangad ay makapagbigay ng Serbisyong Makatotohanan.

Ang mga repormaay patuloy at masugid nating isinusulong, at bagama’t maraming naging balakid sa pagtahak natin sa matuwid na daan, nagbubunga na ngayon ang ating mga pagsisikap.

Naisasaayos na ang ating crime reporting system, kaya naman mas malinaw na ang tunay na crime situation sa iba’t-ibang dako ng bansa, at mas madali nang matukoy kung saan dapat ibuhos ang resources ng ating kapulisan.

Dahil sa gusto nating iparamdam sa mamamayan na ang kapulisan ay nasa tabi lang nila sa lahat ng oras, pina-paigting natin ngayon ang 24/7 mobile checkpointslaban sa krimen, atdinadagdagan pa natin ang mga pulis sa mga lansangan, upang bantayan ang seguridad at kaayusan. Katunayan, mula Enero hanggat Hunyo ngayon taon lamang, 19,904 Wanted Persons ang ating nahuli at 1,304 naman sa Most Wanted Persons sa bansa ang ating nasukol. This accomplishment shows a marked improvement in our effort to account for Wanted Persons this year, which is 18.31 percent better than the same period last year.

We continue to face challenges in the implementation of firearms licensing policies, but we remain steadfast in ensuring that only the responsible and deserving are allowed to own and carry firearms. Kaya naging masigasig ang ating pagpapatupad ng “Oplan Katok”, na lalo pang pina-igting ng Police Integrated Patrol System. Through this, we have strengthened our campaign against unregistered motorcycles and firearms via increased checkpoints, issuance of arrest warrants, and visits to identified holders of expired firearms licenses.

Itinatag din natin ang isang composite anti-crime unit, na hahawak sa imbestigasyon ng mga high-profile crime incidents. This will enhance cooperation among our police units, to ensure the productive investigation of these incidents, and the subsequent prosecution of cases leading to higher conviction rates. I have also ordered an inventory of criminal cases, particularly on illegal drugs, and other syndicated criminal activities involving PNP personnel, dahil pinapalakas natin lalo ang paglilinis sa mga hanay ng kapulisan. Sa pamamagitan ng “Oplan Bato,” nahuli natin ang ilang pulis sa Region 3 na nagbebenta ng mga drogang nakumpiska nila.

To sustain our triumphs in the war against crime, insurgency and terrorism, we continue to enhance the competence of our frontline police forces. I have personally placed special emphasis, on the continuous development of our investigators and detectives. As such, I am proud to say, that the country, now enjoys one of the highest crime solution efficiency ratings in the world at 36 percent.This represents a remarkable increase over last year’s 27 percent. I can only pray that this rating will improve in the coming years.

At sa pamamagitan ng mas maayosna training programs, sumasabay na sa makabagong teknolohiya ang ating kapulisan.Patuloy nating pinapalakas ang ating e-Projects na siyang nagsisilbing mahahalagang sandata sa mabilisang pagresolba ng krimen tulad ng e-Crime Incident Recording System, e-Warrant System, e-Rogues Gallery System, e-Subpoena System,Automated Fingerprint Identification System and Integrated Ballistic Identification System.

In the early part of this year, our operations against cybercrime groups resulted in the arrest of Filipino and foreign nationals, involved in illegal online gambling, telephone fraud and “sextortion” activities. For this semester, the PNP Anti Cybercrime Group recorded a total of 84 foreign nationals arrested mostly for violation of RA 8484 or “Access Devices Regulation Act.” With the help of our foreign counterparts such as the INTERPOL, we have arrested 57 members of a group engaged in international “sextortion” activities. This is just one classic experience on the benefits of a widened scope of police cooperation on matters of mutual concerns.In line with this, we are happy to share with you the successful hosting of the 34thASEANAPOL Conference last May 2014. We achieved several perspectives and platforms with our foreign counterparts towards our common goal to keep the region safe and peaceful.

On this special day, I am proud to say, that the PNP is now on the fourth and final stageor the “Institutionalization Stage”of the Performance Governance System. Ito ay mahalagang bahagi ng ating pagsulong ng tunay na reporma sa ating organisasyon.

Bilang Hepe ng Pambansang Pulisya, natutuwa ako na ang mga repormang ating isinulong, at ang lahat ng pagpupunyagi natin, ay nagbubunga na ng magandang resulta. Ito ay napatunayang muli sa Pulse Asia June 2014 Ulat ng Bayan Survey, which shows that the present administration garnered a majority approval rating of 54% in fighting criminality. This certainly says a lot about the PNP’s performance these past months. Syempre kasama dito ang tulong ng komunidad, sila ang siyang nagpapatunay na ramdam na nila, ang serbisyong makatotohanang handog natin.Maraming salamat sa inyo.

Kaya sa pagdiriwang natin ng Police Service Anniversary, inaalay natin ang araw na ito sa bawat miyembro ng kapulisan, lalo na sa mga pulis na nagbabantay sa mga lansangan, at hindi nag-aatubiling magbuwis ng buhay para sa bayan. Inaalay din natin itosa mga mamamayan, na ating kaakibat sa pagsulong ng kapayapaan at kaunlaran. Ipagpatuloy natinang paghahandog ng Serbisyong Makatotohanan sa sambayanan.
Isang maalab na pagbati sa ating lahat! Mabuhay!